PAG-ANGKAT NG BIGAS, PANSAMANTALANG PINATIGIL; TUGON SA PAGBAGSAK NG PALAY

Kamakailan lamang ay iniutos ni Pangulong Duterte ang pansamantalang pagpapahinto ng pag-angkat ng bigas sa panahon ng anihan dito sa Pilipinas. Nakahanda rin ang pamahalaan na gawing prayoridad ang pagbili ng lokal na palay. Ito’y tugon sa matiinding pagdausdos ng presyo ng palay sa pamilihan na ngayo’y pangunahing suliranin ng mga kawawang magsasaka. Matapos ang matinding hirap ng pagtatanim ng palay ay ang di nila inaasahang matinding pagkalugi dahil sa pagbagsak ng presyo ng palay.

 

Mabuti at tinugunan naman ang panawagan na tulungan ang mga magsasaka na maibenta sa mas mainam na halaga ang kanilang aning palay. Problemado rin ng magsasaka kung paano mabayaran ang puhunang inutang.

 

Sa puntong ito, tama ang naging hakbang ng ating pamahalaan subalit ito’y pansamantala lamang. Pero sa kabilang banda, kailangan maging malinaw kung kailan ito patutupad at hanggang kalian matatapos ang nasabing kautusan. Kailangan din na papanagutin ang mga kawani o opisyal na sangkot sa pagpapabaya ng pagbili ng depektibong o hindi angkop na kagamitang pangsaka.

 

Kinakailangan ng ating pamahalaan na magpatupad ng konkretong polisiya na tutugon sa krisis ng agrikultura.

 

Isulong natin ang pamamayagpag ng Pilipinas sa larangan ng agrikultura!