PALUGIT SA MGA GIPIT

Sa gitna ng nararanasan nating krisis sa COVID-19 ay may magandang balita ang hatid ng ERC at Meralco sa kanilang mga customers. Nagbaba ng kautusan ang ERC na palawigin pa ang pagbabayad ng kaukulang electric bill na may kaugnay sa Enhanced Community Quarantine. Ito’y nagdulot ng malawakang pagtigil ng iba’t-ibang industriya na nakaapekto sa kabuhayan ng lahat ng manggagawa sa mga bayan na sakop ng lockdown

Binabati namin ang pang-unawa ng ERC gayundin ang dagliang pagtalima ng Meralco na pumapabor sa kanilang mga customers. Ang nagpapakaba sa mga ordinaryong konsyumer ay paano kung humaba pa ang ECQ? Kakailanganin ang panibagong palugit habang hindi makapagtrabaho ang mga mamamayan.

Nananwagan ang BK3 sa ating gobyerno na makinig sa pulso ng mga naghihirap nating mamayan at maging mabilis ang pagbigay ng tulong habang mistulang nakakulong kami sa aming mga tahanan.

Tulungan natin ang isa’t isa.