BATAS NA SASALBA SA MGA PAMPRIBADONG PAARALAN, GAWING PRAYORIDAD
Nananawagan ang BK3 kay Presidente Rodrigo R. Duterte na gawing prayoridad sa kanyang paparating na State of the Nation Address (SONA) ang mga nakabinbing mga batas sa kongreso na magtutuwid ng palpak na regulasyon na ibanabagsak ng BIR sa mga naghihirap na sektor ng pampribadong edukasyon.
Ang House Bill No. 9596 at Senate Bill No. 2272 ay naglalayong makapagbigay linaw sa mga magulo at nagkakabanggaan na mga probisyon sa batas na siyang pinagmulan ng walang awang pagpapataw ng BIR ng 150% pagtaas singil ng buwis sa mga pampribadong paaralan.
Papalapit na nang papalapit ang pagbubukas klase. Kung hindi maisaayos ang masamang polisiyang ito, madadagdagan pa ang mga magsasarang paaralan. Dadami pa ang mawawalanng trabaho at negosyo, Panibagong pabigat sa mga estudyante at magulang. Huwag nating hayaang malugmok ang sektor ng edukasyon! Huwag nang patagalin pa ang problemang ito. Nanawagan kami kay Presidente Duterte na paki-utusan ang ating mga mambabatas na maisaayos ang naksisirang polisiyang ito upang mapigilan ang lumalalang krisis sa edukasyon.