Baguhin ang bulok na sistema ng Taxi!

Lubos na nakababahala ang pahayag ni Atty. Bong Suntay hinggil sa mga taxi. Nagbibigay dahilan siya na tila nasa lugar lamang na basta mamili ng pasahero ang mga taxi driver.

Malinaw ang responsibilidad ng mga taxi ayon sa kanilang prangkisa. Hindi sila dapat tumatanggi o nakikipagtawaran sa mga pasahero; sundin nila dapat ang metro.

Kung mismong isang abogado gaya ni Ginoong Suntay ang tila nagtutulak sa iba na baluktutin ang mga patakaran, ano’ng kaayusan ang maaasahan natin sa ating mga kalye at sa sistemang pangtransportasyon?

Sinasabi ni Atty. Suntay na kailangang kumita ng mga driver. Ginoong Suntay, alam namin na Taxi Fleet Operator ka, kumusta ba ang boundary system? Baka naman ang sistemang iyan ay di na akma sa panahong ito. Lahat kasi ng nasasakyan kong taxi, ang Boundary nila ang pinaka-iniaangal.

Kung hindi ninyo maibigay ang maayos na serbisyo gaya ng Uber, Grab, atbp., hindi ba ang mga taxi companies na po talaga ang may problema?

Umayos po kayo. Sundin ninyo ang batas gaya nang nais ninyong pagsunod ng Uber at naming mga Konsyumer sa mga batas.

Matagal na ang problema ng taxi. Kung kinakapos ang mga taxi drayber panahon na upang palitan ang palakad ng mga taxi operator.

Louie Montemar
(Convenor, BK3)