Ugaling talangka ay nakakasira sa bansa

Makabubuti sa isang ekonomiya ang malayang pagnenegosyo at ang isang ibig sabihin nito ay ang pagkakaroon ng malusog na kompetisyon ng iba’t ibang kalahok sa pamilihan o mercado.

Mula sa di-maitatangging aral na ito sa paggana ng isang sistemang pang-ekonomiya at ng mercado sa loob nito,  malugod na binibigyang-pansin ng aming samahang pang-adbokasiya na Bantay Konsyumer, Kuryente, at Kalsada o BK3 ang napipintong pagsasanib-pwersa ng Grab Philippines at MoveIt Motorcycle taxi service sapagkat makadaragdag ito sa bilang ng mga lumalabas na Motorcycle taxis na nagsisilbi sa ating mga mamamayan sa pang-araw-araw.

Tumitindi ang kakapusan sa mga taxi at motorcycle taxi lalo na dito sa Kalakhang Maynila. Sa pagbubukas ng mas marami pang paaralan ngayong Oktubre, lalo lamang tataas pa ang kakapusang ito kaya lalo lamang nagiging makabuluhan ang napipintong tambalan ng MoveIt at Grab.

Hindi naman kataka-taka ang nabalitang pagtutol o pagkwestiyon ng ng ilang kinatawan ng  iba pang grupo ng mga Motorcycle Taxi sapagkat direktang kakumpitensiya nila ang MoveIt kaya maasahang gagawin nila ang lahat at ibabato ang lahat ng pwedeng pagtuligsa kahit pa nga walang matibay na batayan laban sa pagsasanib-pwersa ng MoveIt at Grab.

Walang nakikita ang BK3 na balidong dahilan upang punahin ang investment ni Grab kay Move-It upang palakasin pa at pagandahin ang serbisyo ni Move-it na ang makikinabang ay ang taong bayan.

Bagkus, nakikita naming ang hakbang nila ay makakatulong upang matugunan ang isang malubhang kakulangan sa pampublikong transportasyon sa isang ekonomiya na lahat tayo ay nagsusumikap na buhayin muli.

Kailangan makipag kompetensya ng bansa sa ibang mga ekonomiya sa daigdig para sa dayuhang pamumuhunan upang maipasok ang malaking kapital na kailangan para sa imprastraktura at paglikha ng mga hanapbuhay. Kinakailangan natin ng pamumuhunan upang makabangon mula sa krisis ang ating ekonomiya. Gayon, kasalungat sa direksyon ng Pangulo na pasiglahin ang isang kaaya-ayang ecosystem para sa mga dayuhang mamumuhunan kung talamak ang asal talangka o kung tawagin sa ingles ay “crab mentality”.

Sana ay marami pang investor ang may tiwala at kumpyansa ni Grab sa pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Kalangan natin pagtulungan ang malaking kakulangan ng pampublikong transportasyon.