Pahayag ng Suporta ng BK3 hinggil sa EO 32 (Streamlining Permit Process for Telecom)

Isang mainit na pagtanggap at suporta sa pagkakalagda ng Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa E.O. 32 na siyang tutugon sa makupad at mahinang telekomunikasyon sa ating bansa. Ito din ay bilang tugon upang mapabilis ang proseso ng paglalatag at pagtatayo ng imprastrakturang pangtelekomunikasyon. 

Panawagan ng BK3, sa Technical Working Group (sa pamumuno ng Department of Information ang Communications Technology o DICT) na kumatha ng isang komprehensibong Implementing Rules and Regulations (IRR) na titiyak sa pagpapabilis ng pagpapakabit ng mga telekomunikasyon pangimprastraktura sa buong bansa. Gayundin, ang implementasyon ay dapat maging epektibo at mabisang solusyon sa mabagal na internet sa bansa.

Katambal ng makabagong teknolohiya ay mabilis at malawakang broadband services. Kaya naman lubos na kinakatigan ng BK3 ang EO 32 sapagkat higit pa sa mabilis na internet ay magdadala ito ng mabilis na progreso para sa ating ekonomiya.

Pet A. Climaco
Secretary General, BK3