Maging Mapanuri sa Panahon ng Halalan

Maging Mapanuri sa Panahon ng Halalan

Ayon sa isang bagong survey ng Pulse Asia, nananatiling pangunahing pinagkukunan ng balita ng mga Pilipino ang social media platforms gaya ng Facebook at Youtube. Dahil sa malawakang access ng mga Pilipino sa internet, mas nagiging madaling mabiktima ang marami sa maling impormasyon, lalo na ngayong mas sopistikado na ang mga pamamaraan ng pagpapakalat ng fake news.

Ngayong nalalapit na halalan, mas inaasahang dadami pa ang mga fake news na naglalayong impluwensahan ang mga botante. Hinihikayat ng BK3 ang lahat na maging mapanuri at kilatisin nang mabuti ang mga kandidatong kanilang iboboto.

Sa pagpili ng mga pinunong susuportahan, mahalagang bigyang-pansin ang kanilang mga konkretong plano upang mapababa ang presyo ng kuryente, mapalawak ang access sa dekalidad na serbisyong pangkalusugan, at maisulong ang mas inklusibong sistema ng transportasyon para sa lahat. Kasabay nito, nananawagan din ang BK3 sa pamahalaan na paigtingin ang mga hakbang laban sa pagkalat ng maling impormasyon. Dapat palakasin ang mga kampanya sa edukasyong digital. Mahalaga rin ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor upang