Presyo, Pagkain, at Kabuhayan: Ang Kapangyarihan ng Iyong Boto

Ang patuloy na pagtaas ng presyo ng pagkain ay isang mabigat na pasanin sa pangkaraniwang Pilipino, at sa kabila ng patuloy na paghihirap at ilang administrayson, pamahal ng pamahal ang presyo ng mga bilihin. 

Ayon sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), 90% ng mga Pilipino ang susuporta sa mga kandidatong magpapahalaga sa pagpapaunlad ng agrikultura at seguridad sa pagkain—isang malakas na sigaw sa ating mga lider na ang kailangan ng sambayan ay ang agarang pagkilos upang maging abot-kaya ang presyo ng pagkain.

Kami sa BK3 ay nananawagan sa mga botante na maging mapanuri at responsable sa pagpili ng mga lider sa darating na halalan. Asahan na lahat ng kandidato ay mangangakong magining mura ang lahat ng pagkain kapag sila ay manalo. Pero naiintindihan ba nila ang kanilang pinagsasabi o puro lang daldal? Ano ang kanilang kaalaman sa sektor ng agrikultura? Ano ang gagawing nila para dumami ang trabaho at umangat ang buhay ang maralitang Pilipino?

Ang halalang ito ay hindi simpleng pagpili ng kandidato—ito ay isang desisyon para sa ating kinabukasan. Iboto natin ang mga lider na tunay na magtataguyod ng kapakanan ng bawat Pilipino.