Mga Balita at Artikulo
PAHAYAG NG BK3 PARA SA DOE AT NGCP
April 27, 2018Nawa’y huwag nang madagdagan pa ang kalbaryo nating mga konsyumer na halos maluto na sa init ng panahon. Nawa’y huwag nang uminit pa ang kalagayan ng buong bansa dahil sa maiiwasan namang pagtataas ng presyo ng kuryente. Naway hindi sana maulit ang kahina-hinalang sabay sabay na pagbagsak ng mga power plant at nagkaroon ng sobrang abusong pagtaas ng kuryente.
Matuto na tayo. Bantayan natin sila!
DOE, ERC isabuhay mo ang iyong mandato para bayan!
Pahayag sa Panukala ng NEA
April 23, 2018Ang kuryente ang dugo ng isang makabago at maunlad na lipunan. Hindi tayo tunay na aangat at uunlad kung patuloy na bansot ang sistemang pang-enerhiya ng bansa habang sinisingil naman natin ang ating mga kababayan ng isa sa pinakamahal na presyo ng kuryente sa buong mundo. SUPORTAHAN NATIN ANG PANUKALA NG NEA.
Pahayag ng Pagsuporta sa Vera Files
April 17, 2018Tama lamang na may mga masinop na grupong gaya ng VERA Files na tutulong upang mas matiyak ang katumpakan ng kung anuman ang kumakalat na impormasyon sa social media. Sa atin, bilang mga konsyumer, titiyakin nito ang isang mas malinis na batis ng impormasyong magagamit sa pagtangkilik sa iba’t ibang produkto at serbisyo—kabilang ang mga desisyon ng gobyerno at ng ating mga pinuno.
ANG PRESYO NG BIGAS AT ANG NFA
April 7, 2018ANG PRESYO NG BIGAS AT ANG NFA Nakababagabag ang pagtaas ng presyo ng bigas nitong ilang huling buwan. Sa kagyat, tila mauugat ang pag-aalala ng mga negosyante at ang kanilang kaugnay na pagtataas ng presyo ng bigas sa mga nakababahalang pahayag ng National Food Authority (NFA) na may kakulangan daw tayo sa bigas. Ngunit para […]
Umiinit na Usapin sa Enerhiya
March 10, 2018Dama natin ang tumitinding init sa harap ng isang nagbabagong klima. Papainit din talaga ang panahon lalo na’t papalapit na nga ang tag-init sa bansa. Kasabay nito, malamang na iinit pa ang usapin ng pangangailangan natin sa enerhiya. Nitong Pebrero 26, 2018, nasa yellow alert ang Luzon grid. Ibig sabihin, halos umabot ang pangangailangan o […]
Ituwid ang takbo ng TRAIN
March 6, 2018Lumalabas lamang na talagang may pangangailangang muling pag-aralan ang TRAIN. Maaari pang ayusin ang batas rito.
Repasuhin ang Renewable Energy Law
February 14, 2018Naglagak ang grupong ALYANSA NG MGA GRUPONG HALIGI NG AGHAM AT TEKNOLOHIYA PARA SA MAMAMAYAN (AGHAM) ng isang petisyon sa Korte Suprema para sa isang Temporary Restraining Order (Pansamantalang utos upang pigilan) hinggil sa Renewable Energy Law o ang RE Law.
TREN NA INIWAN NG BUSAN
January 19, 2018Kailan kikilos ang mga kinauukulan? Kapag may mga nakatimbawang na sa mga riles na nilisan ng Busan? Kapag namantsahan na ng dugo ang treng iniwan ng Busan?
P17 Bilyon Sisingilin sa Konsyumer
December 12, 2017Dahil sa naturang desisyon, maaaring mangolekta mula sa mga end-user ng higit sa P17 Bilyon. Mangangahulugan ito ng dagdag na singil na maaaring umabot sa P700 sa bawat pamilya, sa ibabaw pa ng karaniwang presyo ng kuryente na karaniwan nasisingil sa bawat buwan. Para sa mga komersyal na institusyon at mga manufacturing companies, maaari P10,000 hanggang P350,000 ang karagdagang singil na depende sa lakas ng konsumo ng kuryente.
OPEN LETTER PARA SA MGA MAMBABATAS NG BICAM
December 5, 2017Ang buwis na ipapataw sa mga produktong ito ay lubos na magpapataas sa presyo ng mga karaniwang bilihin. Kung pagsasama-samahin pa ang lahat ng ito, mas lalong mahihirapan ang mamamayang Pilipino na harapin ang kanilang mga gastusin na masasabing taliwas sa intensyon ng ipinapasang batas. Ang mga produktong ito ay hindi mga luho, kung hindi mga pangangailangan sa pang-araw-araw na pamumuhay ng ordinaryong Pilipino.