Bantay Konsyumer, Kalsada, (BK3) Nanawagan ng Dagliang Isakatuparan ang Smart Grid Technology

Sa nakaraang pampublikong konsultasyon na ginanap sa Subic, Zambales sa pamumuno ng Kagawaran ng Enerhiya, ang BK3 (consumer group) ay naghayag ng pagsuporta para sa Smart Grid Technology na siyang makatutulong tiyakin na ligtas, sapat at maaasahang kuryente ang maihahatid para sa mga customers nito. Iginiit na kailangang ang mabilis at agaran tugon ng DOE at ERC para sa kapakinabangan ng mga customers sa lalong madaling panahon. Ang BK3 ay naniniwalang ang teknolohiyang ito ay magpapabilis sa pag-unlad ng ekonomiya at pagldami ng mga trabaho.

 

Tinalakay din na ang mga Inteligent Devices ay ilalagay sa mga iba’t-ibang estratihikong bahagi ng kanilang Distribution Feeders at ang pagkakaroon ng sira o problema sa linya ay madaling ng matutukoy at malilimitahan sa isang maliit na bahagi lamang. Sa pamamagitan nito ang mga customers ay makararanas ng maikli at kaunting brownout, kaya naman ay maiiwasan ang abala at di pagiging produktibo.

 

Sa pahayag ni Propessor Louie Montemar (BK3 Convenor), “batay sa nakita naming presentasyon ang Smart Grid ay magtataguyod ng kahusayan sa sistema ng kuryente, kaya naman mababawasan ang mga brownouts.  Gayundin, ito’y magbibigay ng malawakang pagsasama ng mapagkukunan Renewable Energy gaya ng Solar Energy at Energy Storage Systems gaya ng mga baterya”.

 

Ani Pet Climaco (BK3 Secretary General) na dumalo din sa nasabing pampublikong konsultasyon; “Ang pinakapakinabang nito ay ang pagbibigay kapangyarihan sa mga customer. Sapagkat anumang impormasyong may kinalaman sa kuryente ay malalaman sa halos aktwal na oras, ang pakikipag-ugnayan sa customer ay mapapabuti lalo na kung ang pamamahala sa kuryente ay magiging possible sa loob ng kanilang bahay o gusali gamit ang Smart Meters at Smart Devices. Ang Electric Vehicles (EV) ay maaaring magamit ng mga customers, na siya namang magbibigay ng malinis at epektibong paraan ng transportasyon dahil ang Smart Grid ay may kakayahang matugunan ang pagdami ng EV charging stations”.

 

Idinagdag pa ni Climaco “Sa kasawiang-palad, ang ERC ay di pa nagbibigay pahintulot na palawakin ang karagdagang Smart Meters, kaya naman nawawalan ang mga customers ng pagkakataon na maranasan ang kapakinabangan ng Smart Meters gaya ng mga impormasyon na may kinalaman sa pagkonsumo ng kuryente.  Kailangan natin kumilos na ang gobyerno dahil di natin alam bakit ito nagtatagal. Habang humahaba ang pagkaantala ay mas pinagkakaitan ang mga customers ng kapakinabangan ng Smart Grid.

 

Binigyan diin ni Climaco“ Mahalaga ang suportang ibibigay ng mga iba’t-ibang kagawaran ng pamahalaan gaya ng DOE at ng ERC. Samantala ang Department Cicular para sa Balangkas na Pambansang Patakaran ay binanggit ang mga prinsipyo, mga teknolohiya at mga tungkulin ng ibat-ibang pangkat, na may kongkreto at malinaw na patakaran na siyang hihikayat sa pagkakaroon ng Smart Grid sa hinaharap.

 

Ang BK3 ay may malaking katanungang iniwan “ Kung ang lahat ng DU ay sang-ayon sa kapakinabangan ng SG para sa kabuuan ng industriya, bakit nagtatagal pa ang DOE na maglabas ng kumpleto at panghuling circular? Bakit hindi pa atasan ang iba pang sangay ng pamahalaan na magkaisa? Wala ni isa ang may kasagutan. Ito’y aming itatanong sa mga susunod na pampublikong konsultasyon.

 

Sa pampublikong konsultasyon, ang BK3 ay nagpahayag ng matinding pagsuporta para sa Smart Grid, “Sa mga nabanggit na kapakinabangan ng SG, mahalaga na ang lahat ng sangay ng pamahaalan at mga kabilang sa industriya ng enerhiya (o kuryente)  ay magkusang simulant ang kanilang mga tungkulin.  Ang kapakinabangan ng SG ay mahihigitan anumang halaga ang kaakibat nito, lalo na sa panahon ng Climate Change, napakahalaga na ang Smart Technology ay maging tugon ditto. Habang naaantala ang Smart Grid ay mas lalo natin pinahihintulutan ang pagkasira ng mundo at ang Kamatayan ng Sangkatauhan.

 

 

Pet A. Climaco

BK3