Dagdag Na Buwis: Makakatulong Nga Ba sa Kalikasan? O Banta Din Sa Ekonomiya?

Talaga nga bang makakatulong ito sa kalikasan? O baka naman sa ating pagpupursigeng makahanap ng solusyon sa problema sa basura ay makapahamak pa sa ating ekonomiya?

Isa na namang panukala ang inihain upang tugunan ang problema sa basurang plastik. Ito ang House Bill 178, or the Single-Use Plastic Bag Tax Act. Layunin nito na magtakda ng karagdagang buwis sa mga pang-isahang gamit o single-use na plastic lamang.

May mga makabagong teknolohiya ng paggawa ng plastics upang tugunan matugunan ang tumatambak at kumakalat na pabura ng plastic gaya ng pagiging Reusable / Recyclable, Non-Toxic at Biodegradable. Ang ating gobyerno ay dapat tumilong sa pagpapaunalad at paggamit ng ganitong mga teknolohiya katulad ng ginagamit ng Coca-cola upang ang kanilang mga bote ay 100% recyclable at kung tawagin ay “Plantbottle” na gawa sa halaman.

Sa kasalukuyan wala pa din alternatibong maipapalit sa plastic. Ito ay mura, matibay at madaling gamitin kumpara sa lata, babasaging bote at iba pang klaseng sisidlan. Plastik ang gamit na pambalot sa halos lahat ng pagkain at iba pang bilihing “tingi” na siyang abot kaya ng mga mahihirap.

Sa kabilang banda, anumang karagdagang buwis ay lubhang magpapahirap sa ating lahat lalo na sa mga konsyumer. Karamihan sa mahihirap ay umaasa lamang sa patingi-tinging bilihin na siyang ginagamit sa pang araw-araw.

Ang ating gobyerno ay kailangang bumalangkas ng mga panukala na tiyak na makikinabang ang nakararami at di iilan lamang o kaya’y magandang mapakingan sa balita o mabasa sa peryodiko. Timbangin ang sa lahat ng sector.

Huwag nating isisi sa mga basura ang problema na tayo din ang may gawa. Ang pagiging disiplinado sa pagtatapon, paghihiwalay at pagrerecycle ang dapat gawin ng bawat isa.

Kailangan na nating umaksyon ngayon habang di pa huli ang lahat. Maging matalino sa pagtugon sa suliranin ng basura! Para sa BK3 kung walang nagkakalat ng basura, magiging malinis at maginhawa ang buong bansa. Kaya pakiusp lang na itapon ang basura sa basurahan hindi kung saan-saan.