Digitalisasyon, susi para sa maunlad na kinabukasan

Ayon mismo kay Undersecretary for Digital Philippines Emmanuel Rey R. Caintic ng DICT o ang Department of Information and Communications Technology, “ang DICT diumano ay nakikipagtulungan sa Kongreso upang makalikha ng batas na nagpapahintulot sa DICT na gamitin ang hindi pa nagagamit na  pondo mula sa Spectrum User Fee na nakalaan para sana sa LIBRENG WIFI para sa mga Pampublikong Imprastraktura na magpapahintulot sa DICT na bumuo ng mga kinakailangang imprastraktura para mapalaganap pa ang mga koneksiyong pang-Internet at digitalisasyon.

Para sa BK3, matagal na ngang dapat ginawa ito!   Kapos na kapos ang kakayanan ng ating bansa upang higit pang magamit ang ICT para sa mga gawaing pang-komersiyo at pangkaunlaran sa pangkalahatan.

Dahil sa pandemiya at pangangailangang mas masiguro ang “social o physical distancing,” lalo lamang tumingkad ang pangangailangan para sa isang aktibo at mahusay na kagawaran para sa ICT.

Buhayin natin ang ekonomiya!  Ang digitalisasyon ang isang mahalagang susi para sa maunlad at maalwang kinabukasan para sa lahat!