GCQ: HANDA NA BA ANG PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON SA MGA BAGONG PAMANTAYAN?
Iminungkahi ni Rep. Edgar Sarmiento ang limang araw na pagsasanay upang mapaghandaan ng sektor ng pampublikong transportasyon ang mga bagong pamantayan (New Norms). Ani Rep. Sarmiento, mainam na mapaghandaan ang mga posibleng maging problema at mga bagay na dapat pang ayusin bago tuluyan ilagay sa GCQ (General Community Quarantine) ang mga lugar gaya ng Kalakhang Maynila.
Maging bukas tayo sa ganitong kaisipan lalo na’t buhay ng bawat isa ang nakataya. Ating isaalang-alang ang malaking bilang ng mga mamamayan na muling dadagsa sa mga lansangan. Dahil ngayon lang mangyayari ito, napakaimportante paghahanda at pagsasanay na ito upang maiwasan ang perwisyo at pinsala.
Maninibago ang lahat sa ganitong pagbabago, kalaunan ito ay para din sa ating buhay na LIGTAS UPANG DI MAPIGTAS.