Huwag limitahan ang bilang ng motorcycle taxis

Nananawagan kami sa mga opisyal sa sektor ng transportasyon na tanggalin na ang limitasyon sa bilang ng mga motorcycle taxi na pinapayagang bumiyahe sa ating bansa. Ito ay upang matiyak ang mas magandang karanasan sa pampublikong pagbibiyahe.

Milyun-milyong mananakay ang araw-araw na umaasa sa mga motorcycle sa gitna ng napakalaking kakulangan sa kalidad ng imprastrakturang pangtransportasyon sa buong bansa. Hindi pa nailalatag ang sapat na sistema ng transportasyong pangmasa upang tugunan ang patuloy na paglaki ng populasyong Pilipino. Dahil dito, milyun-milyong pasahero ang labis na naaabala araw-araw upang pumila nang maraming oras para lamang maipit sa limitadong bilang ng mga sasakyan o di kaya ay gumamit ng hindi maayos na uri ng transportasyon upang makauwi sa kanilang mga pamilya pagkatapos ng isang mahirap na araw na trabaho.

Walang limitasyon sa bilang ng motorcycle taxi sa ibang bansa. Ito ang tamang patakaran.

Ang pag-alis ng limitasyon sa bilang ng mga motorcycle taxi ay para sa interes ng milyun-milyong Pilipinong namamasahe. Higit pa rito, mapapalago nito ang kabuhayan ng libu-libong kwalipikadong mga tsuper at kanilang mga pamilya.

Louie Montemar
Convenor, BK3