IPAGPATULOY ANG UNIVERSAL HEALTH CARE LAW!
Ito daw ay bunsod na rin ng malaking kakulangan sa pondo batay na rin sa pag-amin mismo ng Pangulo ng PhilHealth na si Ricardo Morales. Ayon kay G. Morales malaking bahagi ng pondo ngayon taon ay nagamit sa pandemyang ating kinakaharap. Ang pahayag na ito ay lubhang nakababahala.
Bagamat batid natin na malaking pondo ang ginugugol ng PhilHealth lalo na sa COVIID-19, hindi ito maaaring maging dahilan upang ipagpaliban.
Inaasahan natin ang PhilHealth bilang sangay ng pamahalaan na magbibigay “Paseguruhan Pangkalusugan” at hindi para ilagay sa alanganin ang ating mga kababayang Pilipino. Mas mainam na imbes pagpapaliban ay gawan natin ng paraan na matustusan ang mga gastusin pangmedikal at pangkalusugan ng ating bayan. Suriin natin ang mga kapakipakinabang na hakbang upang madagdagan ang naghihingalong pondo ng PhilHealth. Bilang karagdagan ang mga ulat ng pandaraya sa pangongolekta ng kabayaran (Insurance Claims) ng mga pribadong pagamutan o mga klinika ay kailangan habulin, usigin at parusahan dahil sila ang tunay na kumikitil ng naghihingalong pondo para sa pansariling interes.
Marami ang umaasa sa batas na ito lalong-lalo na ang mga kababayan nating mahihirap kaya huwag natin silang biguin. Huwag ng dagdagan pa ang malubhang karamdaman ng ating mga kababayan bagkus ay bigyan sila ng kaginhawaan sa pamamagitan ng patuloy na benepisyong pangmedikal.
Nanawagan ang BK3 na huwag ng bigyan daan o anumang puwang na maaantala ang batas na ito bagkus ay paigtingin ng ating pamahalaan ang pagpapatupad ng tunay na diwa ng batas na ito alang-alang sa mas nakararami.