Isulong ang konsultasyon para sa pagpapalawak ng TNVS
Suportado ng BK3 and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagbukas ng kargdagang 100,000 slots para sa transport network vehicle service (TNVS).
Mainam at magsasagawa muna sila ng mga pampublikong konsultasyon upang marinig ang posisyon ng lahat ng ibang grupong pang transportasyon at makarating sa pinkamagandang polisiya na makabubuti sa milyong milyong nanangailangan ng mabilis at murang transportasyon araw-araw.
Nilinaw ng LTFRB na ang 100,000 TNVS slots ay sumasaklaw sa lahat ng uri ng sasakyan at ang mga ito ay ikakalat sa buong bansa. Dapat suriing mabuti ang nasabing bilang at desisyon. Malinaw sa amin sa BK3 na malaki talaga ang pangangailangan sa iba’t ibang lungsod ng bansa dahil sa muling pagbubukas at paglago ng iba’t ibang negosyo gaya halimbawa sa turismo. Ang mga sikat na destinasyon sa turismo sa Visayas at Mindanao ay makikinabang sa karagdagang bilang ng mga TNVS units at hindi lamang ang kalakhang Maynila.
Ang benepisyo mula sa karagdagang bilang ng mga TNV slots ay maaaring maramdaman ng publiko sa pamamagitan ng mas mababang pamasahe at pagdami ng mga masasakyang araw-araw ng ating mga pasahero.
Sinusuportahan namin sa BK3 ang kagyat na pagpapatawag ng LTFRB ng mga konsultasyon para sa usaping ito upang makuha ang tunay na sentimiyento ng iba’t ibang grupo sa sektor ng transportasyon. Malilinaw nang lubos ang magiging epekto nito lalo na sa interes nating mga konsyumer, mga negosyo, at sa pagpapalakas ng ekonomiya.