ISULONG ANG PAGPAPALAKAS AT PAGPAPALAWAK NG DIGITAL INFRASTRUCTURE SA BUONG BANSA
AKamakailan lamang ay nagpahayag si PBBM na ang teknolohiyang digital ay isang pangunahing kasangakapan upang mas mapabuti ang serbisyo publiko at maging produktibo din sa iba’t-ibang industriya. Malaki ang kapakinabangan natin sa isang mabilis at maasahan ang ating “Digital Infrastructure” lalo na tayo ay papaahon mula sa pagkakalugmok ng kasalukuyang pandemya. Nasubukan na natin ang internet ay isang mabisang instrumento upang tayo ay muling makabalik sa ating kabuhayan, sa ating pag-aaral at maging sa ating mga personal na aktibidad ng hindi nanganganib ang ating buhay.
Nangunguna ang mga pribadong Telco Providers sa malawakang pagtatayo ng mga Cellsite at fiber optic network sa buong bansa. Kailangan tutukan at tiyaking maging prayoridad ng bagong administrasyon ang pagsusulong ng mga kongkretong hakbang at programa upang maisakatuparan ang isang pambanasng Digital Infrastructure.
Una, ang pagsusulong ng Batas sa Paglalaan ng mga Puwesto o Lugar ng Pagtatayuan ng mga Cellsite lalo na sa mga kabahayan at mga komunidad. Pangalawa, mahalaga din ituwid ang mali at walang basehan na paniniwala na panganib ang mga Cellsite sa kalusugan at mapawi ang takot o pag-aalinlangan sa pagtatayo nito.
Ang kolaborasyon ng pamahalaan, pribadong sektor at ng buong mamamayan ay kailangan upang matanggal ang mga hadlang sa pagtatayo ng mga imprastrakturang kailangaupang ang Pilipinas ay maging isang malakas na digital economy. Sa pamamagitan nito ay tiyak ang mas mabilis na pagbangon ng ating ekonomiya at maunlad na kabuhayan para sa lahat.