Isulong ang Telecom Tower Watch

Isulong ang Telecom Tower Watch

Kamakailan lamang, sa pagtutulungan ng kagawaran ng Teknolohiyang pang-Impormasyon at Komunikasyon o ang Department of Information and Communications Technology (DICT), at ng grupong tagapagtaguyod na kilala bilang  CitizenWatch Philippines, katuwang ang iba pang mga grupo, ay naglunsad  ng isang inisyatiba na tinawag na “Telecom Tower Watch” upang maitulak ang mabilis na pagtayo ng mga imprastrakturang digital sa buong bansa.

Kaugnay nito, sa isang online forum na inorganisa ng think tank na Stratbase Albert del Rosario Institute (ADRi) tungkol sa “Building Digital Infrastructure for a Digital Philippines”, pinaliwanag ng pangulo ng Stratbase ADRi na si Propesor Dindo Manhit na ang “Telecom Tower Watch” ay isang multi-sektoral na hakbangin tutukoy at maaksyunan ang mga problemeng nagpapatagal sa pagtatayo ng mga toreng telekomunikasyon sa buong bansa. Ito ang isa sa mga malaking dahilan kung bakit naiiwanan tayo ng ibang bansa pagdating sa kalidad ng mga “broadband services” na kailangnang-kailangan natin sa pang araw-araw na transaksyon.

Napaka-importanteng hakbang ito para sa interes ng mga konsyumer.

Sa panahong ito ng pandemiya, kung kailan naging mas kailangan ang “work -from-home” at e-education at iba pang online transactions, lalong naging tampok at tumitindi ang pangangailangan ng bayan sa isang malakas at maaasahang impraistrukturang digital.  Ang “impraistrukturang digital” ay

ang lahat ng mga kagamitan, gusali, poste o mga tore at iba pang bagay na pisikal na nag-uugnay at nagbibigay buhay sa ating koneksiyon sa Internet.

Para sa BK3, kailangan talagang mapabilis at mapalaki pa nga ang pamumuhunan o paglalagay ng kapital ng ating pamahalaan par sa digital na impraistruktura ng bansa.

Patuloy na nakararami sa ating mga kababayan lalo na iyong mga nasa liblib na lugar ang nagtitiis sa napakahina o kawalan pa nga ng koneksiyon sa internet. Sa madaling sabi, totoong totoo ang usapin ng “digital divide” sa bansa dahil naiiwan o naisasantabi ang malaking bahagi ng ating mga mamamayan sa mga transaksiyong digital.

Halimbawa na lamang, naiiwan ang maraming kabataan sa pag-aaral sa ating mga pamayanan dahil hindi sila makasabay sa distance education gamit ang serbisyo ng Internet.

Kapansin, pansin ang bilyong-bilyong puhunanang ginagastos ng mga pribadong telco na kahit paano ay bumibilis na rin ang ating internet, pero hindi natin mahahabol ang tantyang 50,000 kulang na telecommunication tower na kailangan para sa pangakasalukuyang pangangailangan ng mga Pilipino.

Kung gayon, Nananawagan kami sa BK3 na bigyan ng ating pamahalaan ng sapat na atensiyon at alokasyon ang impraistruktura at serbisyong digital sa bansa.

Sumusuporta ang BK3 sa Telecom Tower Watch at nanawagan sa lahat ng ahensya ng gobyernong nasyonal at pang-lokal, mga komapanyang sakop ng sektor ng telekomunikasyon at digital, na magtulungan upang bumilis at mapalawak ang abot ng benepisyong naidudulot ng internet.

Ito ang higit na magbubukas at magpapsigla sa ating naghihikahos na ekonomiya at pakikinabangan ng lahat ng Pilipino.

Magkaisa po tayo sa usaping ito.