Kolektibong pagtutulungan

Sunud-sunod na hagupit ng malalakas na bagyo ang humambalos sa ating bansa at nag-iwan ng malaking pinsala sa buong Luzon. Kabilang dito ang mga imprastraktura katulad ng mga kalsada, kuryente, at komunikasyon na napakakritikal sa pasaklolo sa mga nasalanta nating kababayan at sa pagbangon mula sa kalamidad dulot ng delubyong ito.

 

Kapansin-pansin ang mabilis na pagkilos ng mga kawani ng industriya ng kuryente katulad ng Meralco na batay sa mga huling ulat, 95% ng tatlong milyong customer sa kanilang pankisa ay naibalik na ang kuryente. Salamat na rin sa bayanihang ipinakita ng mga kawani ng gobyernong lokal at mga NGO na matapang at walang pagod ang pagaayuda.

 

Ipapatuloy po nating ang kolektibong pagtutulungan upang dagliang makaahon tayong lahat sa mabigat na pagsubok na ito.