Magtulungan upang masalba ang mga pampribadong paaralan

Kinakailangang magsanib-pwersa at magtulungan ang iba’t ibang mga sektor, pampubliko man o pampribado, upang masalba ang ating mga pampribadong paaralan mula sa pagkalugmok dulot ng pandemya at ng walang pusong pagpapataw ng 150 porsyentong dagdag singil sa buwis.

Ang mga pampribadong paaralan mula elementary hanggang sa kolehiyo ay pinupunuan ang pagkukulang ng pampublikong paaralan at kolehiyo. Bago magpandemya, may 7 rehiyon sa Pilipinas kung saan mahigit kalahati ng mag-aaral ay naka-enroll sa pampribadong paaralan. Paano na lang sila kung tuluyan na magsasara ang kanilang mga eskuwelahan?

Nananawagan kami sa BK3 na imbis na magsulong ang gobyerno ng mga panukalang ikasisira ng mga institusyong pang-edukasyon, ay magsulong na lang ng mga polisiya at programang makapagpapaangat pa sa mga ito. Nararapat na tayong lahat ay tumindig at makiisa sa panawagan na isalba ang ating mga pampribadong mga paaralan!