MATAAS NA KAWALAN NG TRABAHO, MATAAS NA KASO NG COVID-19 BUNGA NG PALPAK NA DISKARTE
Nitong nagdaang Agosto 2021 ay may kakila-kilabot na pagkalat ng Covid-19 sa ating bansa. Kasunod nito ay ang pagkakaroon ng panibagong ECQ (pinakamahigpit) lockdown ng NCR at mga kalapit lalawigan gayundin ang mga lugar na may labis na pagtaas ng kaso na siya namang nagdulot ng malawakang kawalan ng trabaho.
Bagamat may mga tala na nakatulong itong patuloy na lockdown mapababa ang kaso ang bagong kaso ng Covid-19 ay lalong dumami ang ngayo’y naghihirap dahil sa kawalan ng trabaho.
Sa palagay ng BK3 ang paglolockdown na kulang naman ang testing at contact tracing ay hindi uubra. Kumakalt pa rin ang virus. Ngayong dumadami na ang bakunado dapat magbago na rin ang stratehiya. Kelangan nang paandarin ang ekonomiya.
Palitan na ang palpak na diskarteng ito. Tustusan ang pagbili ng sapat na suplay na bakuna at huwag lamang umasa sa donasyon. Paigtingin ang kampanyang mahikayat ang mga mamamayang magpabakuna. Sa pamamagitan nito hindi man tayo makabalik sa dati nating pamumuhay ay kahot paano ay unti-unit na natin mabubuksan ang mga negosyo na inaasahan hanap-buhay ng milyong-milyong Pilipino.
Hindi na ang Covid-19 ang pahirap kundi ang diskarteng palpak.