Pabor sa konsyumer ang Desisiyon ng Korte Suprema sa mandato ng ERC
Kinakatigan ng BK3 ang isang desisyon kamakailan lamang ng Korte Suprema na nagpapatibay sa mandato ng ERC na hanapin ang tamang balanse sa pagitan ng pangangalaga sa industriya ng enerhiya at ng mga interes ng konsyumer o mamimili.
Isang mainam na hakbang ng Korte Suprema sa nasabing desisyon na nasa mandato ng Energy Regulatory Commission (ERC) sa pag-apruba sa kahilingan ng Meralco hinggil sa mga pagsasaayos ng rate nito para sa suplay ng kuryente noon pang Nobyembre 2013 at nagbunsod ng “staggered” o unti-unting pagbabayad ng mga konsyumer. Tama lamang na isatupad ang isang balanseng desisiyon na magaan para sa konsyumer at makatwiran sa sector ng enerhiya.
Kailangang dagdagan pa at palakasin pa ng ERC ang mga insentibo para mahikayat ang mas marami pang mamuhunan na makapagpapalawak ng bilang ng makabagong power plant sa bansa. Sa ganito, mas matutugunan ang matinding kakulangan ng supply ng kuryente ng bansa.
Nananawagan ang BK3 sa bagong adminstrasyon at sa sektor ng enerhiya na magtulungan upang magkaroon ng sapat na kuryente para tuloy-tuloy ang pag-ahon ng ating ekonomiya.