Pahayag ng BK3 Hinggil sa Pampublikong Pagsangguni ukol sa Performance Base Rate

Ano nga ba ang PBR (Performance Base Rate)?

 

Sa nakaraang pampublikong pagsangguni ng ERC hinggil sa pagtalakay ng PBR na ginanap noong ika-29 ng Hulyo 2019 ay nilahukan at nagbigay ng pahayag ang iba’t ibang opinyon ang panig ng mga Distribution Utilities at mga Stakeholders.

 

Ang PBR ay isang metodolihiyang magbabago sa kompyutasyon ng pagsingil sa kuryente. Sa talakayang ito ay hindi pa malinaw o walang katiyakan kung bababa o tataas ang singil sa kuryente. Subalit ang sistemang ito’y napipintong maisakatupuran.

 

Kaya naman ang BK3 at ganun din ang iba pang mga pangkat mula sa hanay ng mga konsyumer ay kumilos upang pansamantalang maantala ang nasabing pagpapatupad ng sistemang ito. Hindi dahil tutol kami kundi gusto lang namin makatiyak na malinaw at nauunawaan ang epekto nito sa konsyumer.

 

Ang BK3 at iba pang pangkat sa hanay ng konsyumer ay humiling din na magkaroon ng hiwalay na komprehensibong pagtalakay na lalahukan ng iba’t ibang pangkat na kakatawan sa mga konsyumer. Malaking tulong ito para maipaliwanag at mapaintindi sa mga konsyumer ang tunay na kahulugan ng sistemang PBR.

 

Anumang mangyari tayong lahat ang magbabayad nito. Karapatdapat na mapaliwanag sa isang masusi at simpleng paraan ang sistemang ito. Ito ba’y malinaw na papanig para sa interes ng iilan o sa mas nakararami? Hindi dapat madaliin ang usaping ito dahil baka ito’y mauwi sa kapahamakan ng nakararaming konsyumer.