PAHAYAG NG BK3 PARA SA DOE AT NGCP
PAHAYAG NG BK3 PARA SA DOE AT NGCP
Nagbabanta na naman ang pagtaas ng presyo ng kuryente. Malamang kasi ang magiging pag-angat ng presyo nito sa merkado ay tulak ng lumalaking pangangailangan ng mga konsyumer at mga kinakailangang panandaliang pagsasara ng mga planta.
Nanawagan ang Bantay Konsyumer sa Department of Energy (DOE) upang bantayang maigi ang operasyon ng mga planta ng kuryente para sa mga hindi naka-iskedyul na pagsasara. Kapag may mga biglaang tigil operasyon ng mga planta siguradong bubulusok na naman ang presyo ng kuryente lalo na sa panahon ng “peak demand” sa mga buwan ng tag-init (ang “peak demand” ang naitatalang pinakamataas na pangangailangan ng mga konsyumer sa isang tukoy na panahon).
Nais nating paniwalaan ang sinasabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na handa silang harapin ang makapal na pangangailangang pang-enerhiya kahit pa ang peak demand para sa 2018 ay inaasahang umabot sa 10,561 Megawatts (MW) sa Luzon; 2,143 MW sa Visayas; at, 2,064MW sa Mindanao. Batay ang pagtatantiyang ito sa patuloy na pag-angat ng peak demand sa kuryente gaya ng makikita sa tala sa ibaba:
Year Highest Peak (MW) Occurrence (Date/Time) Percent Increase vs. previous year
Nawa’y huwag nang madagdagan pa ang kalbaryo nating mga konsyumer na halos maluto na sa init ng panahon. Nawa’y huwag nang uminit pa ang kalagayan ng buong bansa dahil sa maiiwasan namang pagtataas ng presyo ng kuryente. Naway hindi sana maulit ang kahina-hinalang sabay sabay na pagbagsak ng mga power plant at nagkaroon ng sobrang abusong pagtaas ng kuryente.
Matuto na tayo. Bantayan natin sila!
DOE, ERC isabuhay mo ang iyong mandato para bayan!
Louie Montemar (Convenor, BK3)