Pahayag tungkol sa “Uber suspension helped ease traffic”

Mahirap paniwalaan ang pahayag ng MMDA na naibsan ng limang porsyento (5%) ang trapik sa kalakhang Maynila dahil sa pagsuspinde sa Uber.

Ano kaya ang basehan nito?

Ang grabeng trapik sa EDSA at mga pangunahing lansangan ay hindi nagbabago dahil hindi na kaya ng imprastakturang pangtransportasyon ang dami ng dumadaang bus, dyip, trak, kotse at pati na ang mga motorsiklong labo-labong nag-gigitgitan sa kanya-kanyang biyahe. Araw araw kaming natratrapik at nagaaksayan ng mahigit tatlong oras sa biyahe papuntang trabaho at pauwi.

Dahil nasuspinde ang Uber, malamang may libo-libong dapat nakagarahe na lang na sasakyan ang lumabas, natrapik, naghanap ng parking, nagbayad ng parking, biyahe uli … hanggang makauwi. Laking istorbo at dagdag gastos!

Kung totoo nga na nabawasan ang trapik sa kalsada, ang BK3 ang unang magpapasalamat sa MMDA. Tama na ang dahilan. Kilos na LTFRB! Tapusin na a suspension ng Uber! Gumising na sa bagong teknolohiya!

 

The article “Uber suspension eased traffic—MMDA Chief” is originally posted in Inquirer.net on August 25, 2017 by Leila B. Salaverria.