Dagok sa ating Kalayaan! Dagok sa milyun-milyong Pilipino!
Ang bantang pagpapasara ng ABS CBN ay hindi lamang usapin ng pagpigil sa karapatang pamamahayag, banta rin ito sa kabuhayan ng libu-libong pamilyang Filipino. Banta ito sa libu-libong konsyumer!
Nasa higit anim na libong (6,730) regular na empleyado ang mawawalan ng trabaho kapag biglang nagsara ang nasabing kumpanya. Kung tutuusin ang mga pamilyang maaring tamaan ay hindi bababa sa mahigit 60,000 tao na direktang apektado. Ito ay isang malubhang usaping pangkabuhayan at pang-ekonomiya.
Sa mas malawakang pagtanaw, makikita rin ito ng mga namumuhunan bilang tanda na walang kasiguruhan sa pagnenegosyo sa bansa dahil ang ating mga regulasyon ay basta na lamang mapupornada dahil sa napakapersonal na pagdedesisyon ng nakaupo.
Matatandaang nilinaw naman ng Pangulo na ang usapin hinggil sa ABS CBN ay nauugat sa kanyang naranasang hindi maayos na pagtrato mula rito noong nakaraang halalan. Ganito na ba tayo kababaw sa paggawa ng mga desisyon? Kailangan ba talagang ibasura na lamang ang trabaho ng nakararami para sa personal na galit?
Talaga bang tinatakot ng pamahalaaan ang lahat kahit makasama ito sa ekonomiya at lalong bumagsak ang kailangan nating Foreign Direct Investments (FDIs)? Lumalala ang kawalan ng trabaho o joblessness ayon sa mga datos para sa Visayas (11.8% noong nakaraang Setyembere hanggang naging 15.7% noong Disyembre) at Mindanao (19.9% noong Setyembere hanggang naging 20.7% noong Disyembre)?
Ayon sa pinakahuling ulat ng Social Weather Stations (SWS), bumababa nga ang joblessness sa Maynila (24.5% noong September 2019 at 15.0% noong December 2019) at Luzon (25.0% noong September at 17.3% noong December). Gusto ba nating dagdagan ang mga walang trabajo dahil lamang sa isang kagustuhang maghiganti? Hindi ba ito napakasamang mensahe sa mga namumuhunan at negosyante na siyang nagbibigay ng trabaho, lalo na sa mga karaniwang manggagawa at empleyado sa pribadong sector.
Ipinahahatid ng Bantay Konsyumer ang pagsuporta sa panawagan ng mga empleyado ng ABS CBN at milyon-milyong tagapagtangkilik nito na bumubuhay sa industriya.
Ipakita natin ang ating suporta sa ABS CBN! Ipaabot sa liberato ng adminstrasyon na tutol tayo sa hindi makatarungang pag-abuso sa kapangyarihan ng gobyerno. Ipaglaban ang malayang pamamahayag! Trabaho hindi paghihiganti!
Louie Montemar
BK3 Convenor