PATULOY NA PAGPUSLIT NA MGA GULAY; PANGANIB SA MGA MAGSASAKA, MGA KONSYUMER AT EKONOMIYA
Kamakailan ay napabalita ang mga bulto-bultong puslit na mga imported na gulay ang naglipana sa mga lokal na pamilihan. Sa kabila nito’y di lingid sa kaalaman ng ating pamahalaan sa pangunguna ng Kagawaran ng Pagsasaka (Department of Agriculture o DA) ay di pa rin mapigilan ang patuloy na pamamayagpag ng mga puslit na imported na gulay sa ating bansa. Taliwas sa ating kakayahang umani ng ating sariling tanim ay nakuha pa ng DA na mag-angkat ng iba’t-ibang gulay na siya rin di-umano ang ginagawang paraan ng mga ismagler upang magmukhang lehitimo ang mga gulay na pumapasok sa ating bansa.
Isang malaking dagok nanaman ito sa sektor ng mga magsasaka sapagkat imbis na sarilling ani ang dapat tangkilikin ay mga banyaga at mga kasosyo nila dito and yumayaman. Sa mga konsyumer naman ay malalagay sa peligro ang ating kalusugan sapagkat hindi natin alam kung papaano ito itinanim at baka ito ay puno ng pestidyo na maaaring nakalason at ikamatay ng makakakain nito.
Panawagan ng BK3 sa ating Kagawaran ng Pagsasaka (DA) ay huwag magbulagbulagan sa nangyayaring smuggling ng gulay. Unahin natin ang kapakanan ng mga kawawang magsasaka. Ganundin sa Kagawaran ng Kalusugan ay tiyakin na ang mga angkat na gulay ay tiyak na ligtas kainin bago ito tuluyan ibenta sa lokal na pamilihan.
Tangkilikin natin ang lokal na produkto. Protektahan ang mga kawawang magsasaka, Ilayo sa panganib ang mga konsyumer. Itaguyod natin ang Ekonomiya ng Pilipinas.
Pet A. Climaco
Secretary General
BK3