RR 5-2021: IBASURA ANG 150% TAAS BUWIS SA PRIBADONG EDUKASYON!

Di pa tayo nakakaahon sa pandemyang ating kinakaharap ay isa na namang pasaning buwis ang ipapatupad ng Kawanihan ng Internas Rentas (BIR) sa mga pribadong paaralan sa bansa. Ito ay kaugnay ng kautusan na inilabas ng BIR hinggil sa RR 5-2021. Malupit na tataasan nito ang buwis sa mga pribadong paaralan. Malinaw na ito ay salungat sa tunay na hangarin ng “Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act o CREATE” na dapat bigyan ng tulong ang mga kumpanya gaya ng mga pribadong paaralan lalo na’t tayong lahat ay nasa panahon ng pandemya.

Dahil sa bigat ng dagok ng pandemya ang sektor ng pribadong edukasyon ang kailangan ay tulong mula sa pamahalaan, hindi ang 150% taas ng buwis!

Kasama ang mga pambulikong paaralan, Malaki ang ginagampanan ng mga pribadong paaralan sa ating lipunan sa pagpanday ng talino at karunungan ng ating mga kabataan.

Magkakaroon ng pangmatagalang krisis sa edukasyon kung ang mga pribadong paaralan ay tuluyang magsara dahil sa bigat ng walang katarungang buwis na ito. Ito ay maglilikha ng iba’t-ibang suliranin gaya ng malawakang kawalan ng trabaho at higit sa lahat ay malaking bahagi ng mga kabataang ang di makakapag-aral dahil sa kakulangan ng mga paaralan sa bansa. Bawa isa sa atin ay dapat makialam at ipahayag ang ating pagtutol sa RR 5 – 2021 at isigaw sa BIR na agarang ituwid ang malaking kamaliang it.

NANAWAGAN ANG BK3 SA PAMUNUAN NG BIR NA GAWING ANGKOP, MAKATWIRAN, MAGING SENSITIBO SA KAHIRAPAN NG NAPAKAIMPORTANTENG SEKTOR NG EDUKASYON.

HUWAG NA PAHABAIN ANG PROBLEMANG ITO. ITUWID ANG RR 5-2021 NGAYON!