Ugnayang LGU at pampribadong sektor sa digital na teknolohiya susi sa laban kontra COVID-19!

Malugod na sinusuportahan ng BK3 ang mga inisyatibang pagtutulungan sa pagitan ng ilang mga LGU at pribadong kompanya sa bansa upang makapagbigay ng libreng koneksyon ng internet para sa mga Mandalenyos.

Isa na dito ang ugnayan ng LGU Mandaluyong at Globe. Bukod sa pagpapatayo ng libreng GoWifi spots ay inilungsad din nila ang Automated Mobile Blaster Services o AMBER, kung saan maaaring sabay-sabay na makagpaabot ng mga anunsyo at abiso ang lokal na pamahalaan sa kulang-kulang na 10,000 kataong nasasakupan.

Sa gitna ng pandemya higit na mahalaga ang pamamahagi ng impormasyon at pagpapaunlad ng mga digital na serbisyong pangkalusugan para sa ating mga mamamayan.

Nananawagan din ang BK3 sa ibayong pagpapaigting ng kolaborasyon ng mga LGU at pampribadong sektor. Isang malaking balakid ang COVID-19 tungo sa ating pagbangon at pag-unlad. Ngunit sa pamamagitan ng pagkakaisa at mabisang solusyong digital ay matitiyak ang ating tagumpay laban dito.