Usapang Kapatid at Kapamilya: Tungo sa ikaaangat ng kalidad ng media
Lubos ang suporta ng Bantay Konsyumer, Kalsada, Kuryente sa pagsasanib-pwersa ng ABS-CBN at TV5 para iangat ang kalidad ng serbisyo publiko sa mas maraming Pilipino.
Pupunan nito ang malaking puwang na naiwan ng pagkakansela ng prankisa ng ABS-CBN noong 2020, na nagdulot ng kakulangan sa paghahatid ng impormasyon sa libreng plataporma lalo na kung may kalamidad na nagaganap.
Isa itong magandang pagkakataon para bumuo ng tunay at mapagkakatiwalaang serbisyo publiko sa panahong ito ng disimpormasyon, propaganda – at kahit ng tsismis. Nawa’y mahimok ang mga Pilipino, lalo na ang kabataan, na mag-isip nang kritikal at maging mapanuri habang nagdidiskurso tungkol sa mga isyung pambansa.
Tamang hakbang ang pagsasanib pwersa ng Kapatid at Kapamilya ngayong malaking hamon ang hinaharap ng media sa ating bayan.