PANIBAGONG PAGBABA NG SINGIL SA KURYENTE NG MERALCO

Habang mahigit anim na buwan na tayo nagtitiis sa mga quarantine, panglimang buwan na ang sunod sunod na anunsyo ng Meralco ang pagbaba ng singil ng kuryente sa kanilang mga kusomer. Ngayon Setyembre 2020 baumaba na naman  ang presyo ng kuryente bunsod ng mababang demand sa kuryente dahil na rin sa iba’t-ibang uri ng lockdown na pinatutupad sa bansa. Ang isa pang dahilan na ipinatupad ny Meralco ang isang “Force Majeure charge” sa kanilang mga PSA (Power Supply Agreement) na nakataas sana ng presyo kahit mababa and demand.

 

Maliban pa diyan, dinagdagan pa ng Meralco ang palugit sa kanilang mga kustomer mula sa orihinal na petsa na ika-30 ng Setyembre 2020 at ito’y itatakda sa ika-30 ng Oktubre 2020 upang magkaroon ng sapat na panahon bayaran ang mga natambak na bayarin. Ang mga hakbang na ganito ay tiyak na maiibsan ang bigat ng pasanin ng ating mga kapwa konsyumer.

 

Sana’y di lamang ang Meralco ang makahanap ng mga ganitong kaparaanan. Nananawagan tayo sa iba pang mga Distibution Utilities na kailangan din makahanap ng mga paraan o hakbang upang mapababa ang mga singil para sa kanilang mga kustomers. Huwag lamang puro kita o tubo ang dapat intindihin kundi ang kapakanan ng mas nakararami at lalo na ang naghihirap sa mga panahon na ito.

 

Lahat ng kompanyang naghahatid ng serbisyong kuryente, tubig, at telekomunikasyon ay dapat maging tapat sa pagsingil ng serbisyo at ang mga konsyumer naman ay dapat bayaran ng tama ang serbisyon nagamit.

 

Magtulungan lang tayong lahat ay malalagpasan rin natin ang krisis na ito