“ROLLING SITE BLOCKING” SUSI SA PAGSUGPO SA ONLINE PIRACY

Isa ang Pilipinas na may talamak na “Online Piracy” sa buong mundo. Isang krimen na magdudulot ng pagbagsak ng ating mapaglikhaing industrya (creative industry). Ito’y dahil na rin sa kakulangan ng kapangyarihan ng IPOPHL na siyang naatasan upang sugpuin ang Online Piracy. Ninakawan ng mga pirata ng internet ang ating creative industry na may malaking ambag sa paglikha ng trabaho at maging sa pag-angat ng ating ekonomiya.

Tinatawag natin ng pansin ang ating papasok na bagong Kongreso na bigyan ng pangil ang IPOPHL upang paigtingin ang kampanya kontra sa pamimirata.

Isa sa dapat isulong ay ang “Rolling Site Blocking” na magbibigay daan upang maagapan at epektibong sugpuin ang laganap na online piracy. Kailangan din ng palagian ugnayan ng Pamahalaan, Internet Service Provider (kabilang ang IT Experts) at mga Stakeholders upang patuloy na mabantayan ang mga nakaambang pirata. Bigyan din ang IPOPHL ng kapangyarihan patawan ng matinding kaparusahan ang mga pirata.

Huwag natin ipagsawalang-bahala ang problemang ito. Dahil ang online piracy ay isang uri ng pagnanakaw. Ang kawalan ng kumpiyansa ng mga dayuhang mamumuhunan ay mapanganib din sa ating ekonomiya. Malaking bahagi din ang mawawalan ng trabaho sa patuloy na pamamayagpag ng mga tulisang pirata. Panawagan ng BK3 ang dagliang pagsusulong ng batas kontra online piracy.

Huwag tangkilikin ang produkto o serbisyo na galing sa nakaw. Sama-sama nating sugpuin ang online piracy!

Sa pamimirata, kawawa ang talentong Pilipino.

Pet A. Climaco
Secretary General
BK3