TUTUKAN ANG SAPAT NA SUPLAY NG KURYENTE, HINDI PURO INTRIGA

TUTUKAN ANG SAPAT NA SUPLAY NG KURYENTE, HINDI PURO INTRIGA.

Habang masalimuot ang usapin ukol sa supply, presyo, at distribution ng kuryente, hindi mapagkakaila na kailangan itong talakayin, at sa paghahanap ng solusyon sa mga suliraning ito, dapat ang pinagtutuunan ng pansin ng ating pamahalaan, lalo na ng kongreso, ang kapakanan ng mga konsyumer.

Mas kailangan ang malutas ang masamang serbisyo ng ilang electric cooperatives na naghain na ng reklamo at petisyong palitan na ang kanilang distribution utility. Hindi perpekto ang ating mga power supply distributors – mapa-Meralco man yan, o mga electric cooperatives.  Pero kailangan nating intindihin na hindi lahat ng problema natin sa kuryente ay dahil lang sa kanila, at counter-productive ang pagtarget natin sa kanila, lalo na sa iisang distributor, nang hindi masusing inaaral at pinaguusapan ang ibang mga mas mahahalagang isyu na pumapaikot sa usapin ng power supply at distribution.

Matagal na nating panawagan sa gobyerno ang masusing pagsisiyasat ng mga polisiya ukol sa public utilities, lalo na sa kuryente; at sa pagsisiyasat na ito, dapat laging ang epekto nito sa mga konsyumer ang pangunahing konsiderasyon.

Hindi nakatutulong ang pamumulitka at intriga, lalo na kung kulang ang basehan. Mas tutukan sana ang sapat na suplay ng kuyente na siyang tunay na dahilan ng mga brownout at nakakasira sa ating ekonomiya.

Atty. Karry Sison
Convenor