Month: April 2018
PAHAYAG NG BK3 PARA SA DOE AT NGCP
April 27, 2018Nawa’y huwag nang madagdagan pa ang kalbaryo nating mga konsyumer na halos maluto na sa init ng panahon. Nawa’y huwag nang uminit pa ang kalagayan ng buong bansa dahil sa maiiwasan namang pagtataas ng presyo ng kuryente. Naway hindi sana maulit ang kahina-hinalang sabay sabay na pagbagsak ng mga power plant at nagkaroon ng sobrang abusong pagtaas ng kuryente.
Matuto na tayo. Bantayan natin sila!
DOE, ERC isabuhay mo ang iyong mandato para bayan!
Pahayag sa Panukala ng NEA
April 23, 2018Ang kuryente ang dugo ng isang makabago at maunlad na lipunan. Hindi tayo tunay na aangat at uunlad kung patuloy na bansot ang sistemang pang-enerhiya ng bansa habang sinisingil naman natin ang ating mga kababayan ng isa sa pinakamahal na presyo ng kuryente sa buong mundo. SUPORTAHAN NATIN ANG PANUKALA NG NEA.
Pahayag ng Pagsuporta sa Vera Files
April 17, 2018Tama lamang na may mga masinop na grupong gaya ng VERA Files na tutulong upang mas matiyak ang katumpakan ng kung anuman ang kumakalat na impormasyon sa social media. Sa atin, bilang mga konsyumer, titiyakin nito ang isang mas malinis na batis ng impormasyong magagamit sa pagtangkilik sa iba’t ibang produkto at serbisyo—kabilang ang mga desisyon ng gobyerno at ng ating mga pinuno.
ANG PRESYO NG BIGAS AT ANG NFA
April 7, 2018ANG PRESYO NG BIGAS AT ANG NFA Nakababagabag ang pagtaas ng presyo ng bigas nitong ilang huling buwan. Sa kagyat, tila mauugat ang pag-aalala ng mga negosyante at ang kanilang kaugnay na pagtataas ng presyo ng bigas sa mga nakababahalang pahayag ng National Food Authority (NFA) na may kakulangan daw tayo sa bigas. Ngunit para […]