KAUTUSANG REFUND NG PCC: BENTAHE PARA SA MANANAKAY

KAUTUSANG REFUND NG PCC: BENTAHE PARA SA MANANAKAY

 

Pahayag sa  kautusan ibinaba ng Philippine Competition Commission (PCC), na pumanig sa mga tumatangkilik na mananakay ng Grab.

 

Ayon sa nasabing kautusan, ito ay magbabalik ng 5 milyong piso mula sa labis na singil na idinulot ng Grab. Ang halagang ito ay magiging credit  at magagamit bilang pambayad sa muling pagsakay ng Grab.

 

Bagamat ito’y para lamang sa mga mananakay ng Grab, ito ay isang magandang hakbang ng PCC. Ang mga ganitong kautusan ay magsisilbing aral sa mga mapagsamantalang namumuhunan. Hinihikayat ng BK3 na dapat pamarisan din ng iba pang mga kagawaran ng pamahalaan na bantayan ang interes ng milyong mananakay.

 

Ang BK3 ay di naghahangad ng pagkalugi ng mga namumuhunan dito sa Pilipinas pero dapat din tandaan na ang bawat pagsingil ay makatarungan. Sa ganitong punto, kapag tama ang singil ay mas marami pang mananakay ang tatangkilik at magtitiwala sa serbisyo ng isang kumpanya. Sa ganitong paraan magbubunga ito ng pagyabong ng isang negosyo kaya lahat tayo ay panalo.

 

Mula sa BK3, nawa’y magpatuloy pa ang inyong pag-usig laban anumang uri ng panlalamang sa industriya ng pagnenegosyo.

 

Para sa mga mananakay,

BK3