Pagsara ng ABS CBN: Abuso ng kapangyarihan para kanino?
Kung kaya nilang balahurain na lamang ang isang malaking korporasyon gaya ng ABS CBN, hindi kataka-katakang magagawa din nila ang gayon sa ating mga malililiit–tayong mga pangkaraniwang mamamayan.
Malinaw sa mga naging pagdinig sa Kongresso na walang nakitang mga paglabag sa batas o sapat na pagkukulang sa bahagi ng ABS CBN. Kung gayon, bakit hindi ito mabigyan ng panibagong prangkisa?
Kung sabihin na natin na may nagawa mang mali ang korporasyon, bakit hindi ito papanagutin sa tamang panahon at proseso? Bakit ngayon, sa gitna pa ng isang pandemiya, nilagay sa alanganin ang kabuhayan ng higit sa labing-isang libong namamasukan dito? Dura Lex Sed Lex — The law is harsh? No, this Leadership is harsh, especially against its critics as it appears.
Hindi ito usapin ng isang dambuhalang korporasyon laban sa interes ng publiko. Usapin ito ng maayos at makatarungang paggamit ng kapangyarihan ng pamahalaan para sa interes ng publiko! Kung tutuusin, sapin ito ng pagprotekta sa karapatan nating lahat.
Ulitin natin, kung kaya nilang balahurain na lamang ang isang malaking korporasyong gaya ng ABS CBN, hindi kataka-katakang nagagawa din nilang balewalain tayong malililiit–tayong mga pangkaraniwang mamamayan–kaya kinakailangang tumindig tayo sa usaping ito.
Dagdag pa, hindi man perpekto ang ABS CBN, hindi rin naman matatawaran ang serbisyo at boluntaryong pagtulong nito sa ating mga nangangailangang kababayan lalo na sa gitna ng mga sakuna gaya ng kasalukuyang pandemiya.
Hindi gagalaw ng ganito ang isang ahensiyang bagama’t may kapangyarihang magpataw ng ganitong “Cease and Desist Order”, ay tila trinaydor ang Senado at Kongreso sa pangako nilang bibigyan ng pansmantalang permit ang ABS CBN habang nasa proseso pa ang kanilang panibagong lisensya. May nakatagong malalaking interes ang nasa likod ng lantarang abuso ng kapangayarihang ito.
Tumindig para sa ABS CBN!
Tumindig para sa ating mga karapatan!