PAHAYAG NG BK3 HINGGIL SA BAWAS SINGIL SA KURYENTE NG MERALCO
Isang mabuting balita ang tiyak na tatamasain ng mga Meralco customers simula ngayong Agosto 2020. Ito’y dahil sa pagbaba ng singil sa kuryente. Bagama’t nahaharap pa din tayo sa iba’t-ibang suliranin ang pagbaba ng singil sa kuryente ay bahagyang maiibsan ang bigat ng ating pasanin.
Ang sunod-sunod na bawas singil sa kuryente ay makaktulong sa mga ordinaryong konsyumer sa harap ng tumataas na presyo ng pagkain at transportasyon. Kilalanin din natin ang mabuting epekto nito sa iba pang mga industriya na makikinabang sa nasabing pagbaba ng singil sa kuryente.
Nananawagan tayo sa ating pamahalaan at sa industriya ng kuryente na gawin nila ang lahat para matulungan ang mga konsyumer lalong-lalo na sa mga panahong ito. Ngayong patuloy pa rin ang mga lockdown kailangan natin lahat ang maayos na serbisyo ng mga utility companies. Sana’y masundan pa ng bawas-singil sa mga susunod pang panahon.