Pambuhay ng ekonomiya. Pampatay sa Korupsyon.

Sa kinakaharap nating pandemya, hangad natin lahat ang maging ligtas at buhay.

Kailangan natin ng Kalusugan – kung saan dapat tiyakin ng ating pamahalaan ang mga angkop na hakbang upang pababain ang panganib ng sakit at tuluyan itong masugpo. Pangalawa,

Kailangan natin ang Kabuhayan (Trabaho). Batid natin, ang pagpapatupad ng mahaba at malawak na lockdown ay sanhi ng naturang pandemya subalit di dapat na maging dahilan ito upang huminto ang malaking bahagi ng populasyon sa pagtatrabaho. Di tayo dapat makuntento lamang sa mga ayuda. Ito ay pansamantalang ginhawa lamang. Kailangan magsanib pwersa ang pamahalaan at ang pribadong sektor upang umarangkada muli ang ating ekonomiya.  Sa totoo lang, ang lakas ng ating ekonomiya ay galing sa matagumpay na operasyon ng mga malaki at maliit na negosyo, at mga manggagawa ng pribadong sektor.

Tayo ngayon ay nasa panahon ng digital technology kung saan lahat tayo ay sumsandal upang makaraos sa mga hamon ng krisis dulot nitong pandemya. Malaki ang tulong ng mga bagong teknolihya sa ating pang araw-araw ng komunikasyon, pangangalakal, pamimili, at lahat ng kailangang gawin. Ngayon lang natin naiintindihan ang halaga ng mabilis at naasahang broadband services.

Ngayong mulat na tayo sa halaga at mga benepisyo ng mga digital technology, dapat gawing prayoridad ng gobyerno ang mabilis at malawakang pagtayo ng sapat na imprastraktura upang ang lahat ng mamamayan sa buong bansa ay makinabang.

Hindi lang sa pagpapabilis at pagpapaganda ng serbisyo publiko ang benepisyo ng pagiging digtal ng ating burukrasya. Kayang-kayang pigilan ang korupsyon dahil matatangal ang panghaharang at panghuhuthot ng sino mang taong gobyerno. Lahat ng transaksyon ay magiging mabilis at madaling matukoy kung ano ang kalokohan at kung sino ang gumawa nito.

Pero, mangyayari lang ito kung sapat ang ating digtal infrastructure. Ang problema kulang tayo ng 50,000 tore. Kaya naman pala bumabagal ang ating internet.

Magandang balita ang hakbang ng DICT na mapabilis at malaking pagbabawas ng mga permit sa pagtayo ng mga toreng kailangan ng mga telco na ilang dekada ng problema dahil sa katagalan at di-umano’y korupsyon. Sana ay bantayan ng mahigpit ang pagsunod sa polisiyang ito.

Malinaw na kailangan ang tinatawag na “digitization” ng gobyerno at mapakalat ang mga mapag-unlad na benepisyo nito sa buong bansa.

Isulong ang Nationwide Digital Infrastructure para sa lahat!