Pahayag ng BK3 ukol sa Safety Pledge ng Vaccine Developers

 

 

Isang masigabong pagsuporta ang ipipinapaabot ng BK3 sa pagsisikap ng siyam (9) na vaccine developers upang makalikha ng bakuna laban sa COVID-19. Batid natin ang panlipunang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang bakuna sa gitna ng pandemya.

 

Higit dito, mainam na pagtuunan ng pansin ang kanilang pangako sa pagtataguyod ng “ethical standards and sound scientific principles.” Ito ang sandigan ng siyentipikong pamamaraan upang mapangalagaan ang kapakanan ng publiko.

 

Hindi rin lingid sa ating kaalaman ang proseso ng pagtuklas at pagsubok ng isang bakuna ay kinatatangian ng pamumulitika at problemang pinansyal. Kung gayon, nais ring ipahayag ng BK3 ang tuwirang pagtuligsa sa mga indibidiwal, organisasyon, at gobyerno na gumagamit ng kani-kanilang impluwensya upang isulong ang kanilang pansariling interes.

 

Sa kabilang banda, nagsusumamo naman ang BK3 sa pagpupunyagi ng Johnson and Johnson, Sanofi, AstraZeneca, BioNTech, Moderna, Pfizer, Novavax, GlaxoSmithKline, at Merck sa kanilang pagtataguyod sa “rigorous scientific methods, ethical testing standards, and careful observance of protocols in research and development.”

 

Naniniwala rin ang BK3 na higit sa lahat, kaligtasan ang pinamakamahalaga. At nagsisimula ito sa pangakong pampubliko na isinagawa ng siyam na vaccine developers. Sa huli, ang publiko pa rin ang unang dapat makinabang sa bakuna.

 

Lagi tayong mag-ingat. Sumunod sa mga regulasyong pangkalusugan.