Wala munang putulan ng kuryente. ‘Buti naman!

Wala munang putulan ng kuryente. ‘Buti naman!
Ikinalulugod ng BK3 ang pinakabagong pahayag nito lamang nakaraang Sabado mula sa Meralco na sa kalakhang Maynila po ay tinitiyak nila na wala munang mga disconnection operations sa mga costumer nila hanggang Abril 15,
Ayon sa Meralco, suspendido ang lahat ng nakumang na pagpuputol ng serbisyo ng kuryente sa mga nasasakupan nila upang mabigyan ng sapat na panahon na makapag-ayos ng kanilang mga account ang mga Meralco costumers.
Mainam ito at kanilang kinilala ang mahirap na lagay ng ating mga pamayanan sa Kamaynilaan sa ilalim ng Pandemiya at ng “ECQ” lockdown na muling nilatag upang harapin ang nasabing bantang pangkalusugan.
Nawa ay magpatuloy pa ang pag-unawang ito at tualran ng ibang mga electric power distributors sa buong bansa ayon sa pangangailangan sa mga lugar kung saan matindi ang banta ng pandemiya.