Pahayag ng BK3 ukol sa paggasta sa Bayanihan 1 at 2

Kamakailan lamang ay nagpahayag si House Speaker Lord Allan Velasco na prayoridad ng ika-18 na kongreso ang Bayanihan 3 kung saan inaprubahan ng tatlong komite ang 405.6 bilyong piso para sa pagpapamahagi ng cash aid sa mga Pilipino.

Habang malugod na sinusuportahan ng BK3 ang lahat ng inisyatibang makapagpapaabot ng tulong sa mga naghihirap sa gitna ng pandemiya, nais din naming malaman kung napaano ang badyet na inilaan para sa Bayanihan 1 at 2.

Ang mabilis na naging paglaganap ng libo-libong community pantry sa buong bansa ay malinaw na indikasyon na kung hindi kulang ang pondong inilaan ng gobyerno para sa SAP at 4Ps, ay maaari namang may iba pang pinaglaanan ng pondo.

Kaugnay nito, panawagan ng BK3 ang mausisa at maayos na paguulat ng gobyerno ukol sa pag-gastos nung badyet ng Bayanihan 1 at 2. Sa panahong ito kung saan mapagal ang pag-ahon ng ating ekonomiya at milyon-milyon pa rin ang walang trabaho, dapat nating siguraduhin na ni-singkung duling mula sa ating mga buwis ay walang napupunta sa maling bulsa!