Konsultahin muna ang mga apektadong sektor
Kamakailan lamang ay nanawagan ang ilang mga senador sa Department of Finance (DOF) at sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na bawiin o suspendihin ang BIR RR No. 5 2021 na nagpapataw ng hindi makatarungan na 150 porsyentong corporate income tax sa pampribadong mga paaralan.
Hindi dapat dumagdag ang pamahalaan sa kagipitan na dinaranas ng mamamayang Pilipino. Malinaw na mali basehan at pagkakaintindi ng BIR sa batas kaya’y naisipan nitong magpataw ng ganun kalaking buwis sa mga pampribadong paaralan.
Sa isang senate hearing ng komite ng ways and means, nakiusap ang mga senador sa DOF na pag-isipang mabuti ang magiging epekto ng regulasyon na ito hindi lang sa mga paaralan kung hindi pati na rin sa mga mag-aaral at mga naghahanap-buhay sa loob ng mga ito. Tinalakay sa hearing ang Senate Bill No. 2272 na maglilinaw sa isang probisyon sa batas na pinaniniwalaang ugat ng maling interpretasyon ng BIR. Naniniwala kami sa BK3 na dapat gawing prayoridad ang batas na ito.
Mahalaga na maisatuwid na ito sa lalong madaling panahon sapagkat malapit na ang pagbabalik klase at marami pa ring pampribadong paaralan ang walang kasiguraduhan kung kakayanin pang ipagpapatuloy Malaki nilang katingjulang mabigyan ng kaalaman at karunungan ang mga kabataan, ang kinabukasan ng ating bayan.
Bilang grupo na kumakatawan sa mga konsyumer at karaniwang Pilipino, ang BK3 ay nakiki-isa sa mga grupo ng mga pampribadong paaralan ibasura ang mga walang kwentang probisyon ng BIR RR No. 5-2021!
Sa mga gumagawa ng mga polisiya sa gobyerno, kung magiisip kayo ng bagong polisiya, isipin naman ninyo ang mga tatamaang mamamayan. Konsultahin niyo muna amg mga apektadong sektor!