PANAWAGAN NG BK3: AGARANG PAGPASA NG HB 9913!
Nananawagan ang BK3 para sa agarang pagpapasa ng HB 9913 o ang panukalang magwawakas sa kontrobersya at kalituhan na ginawa ng BIR RR 5-2021 at magbibigay ng preferential tax rate o buwis na 10 porsyento sa mga pampribadong paaralan, pati na ring ang pansamantalang pagpapababa ng buwis sa 1 porsyento lamang sa ilalim ng CREATE Act.
Nararapat na maapruba na ang HB 9913 sa ikatlong pagbasa sa kongreso at agaran ding maapruba ng Senado pag naiakyat na ito sa kanila. Mahalaga na maisabatas ang panukalang ito sa lalong madaling panahon upang matutukan na ng mga pampribadong paaralan ang pagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.
Kasabay dapat ng pagbangon natin mula sa pandemya ang pagbangon ng sektor pangedukasyon. Kinakailangan na maprotektahan natin ito mula sa pagkalugmok at lalo pang mapalakas upang tuluyan nitong masolusyonan ang “learning crisis” sa bansa.