Bayanihang digital para sa edukasyon
Bago pa man lumaganap ang COVID, na sumalanta sa kabuhayan ng lahat ng bansa pati na ang pagpapadaloy ng serbisyong pang-edukasyon, natatampok na taun-taon sa mga pahayagan at iba’t ibang pormal na pag-aaral at pananaliksik na napakababa na talaga ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa.
Sa pagdating ng COVID, mas tumingkad ang suliranin ng bansa sa edukasyon lalo na sa mga mahihirap nating kababayan at maging ang mga nakaaangat pa nga sa ating lipunan ay apektado na rin. Hindi lang ang koneksyon sa internet at and laptop, tablet, o smartphone ang kailangan. Anong “digital na aplikasyon” ang gagamitin mo na makakatulong sa pag-aaral mo online?
Upang makatulong sa matinding hamon na ito sa ating sistemang pang-edukasyon, kumikilos na maging ang ang mga tinatawag na “technology innovators” ng pribadong sector gaya na lamang sa inisyatibang GoLearn program ng DepED sa pakikipagtulungang nito sa Globe.
Ang tambalang DepEd-Globe ay makapagbibigay ng palagiang akses sa internet sa mga mag-aaral, Sa gayon, tuluyan silang masasanay sa online na pag-aaral at ang paggamit ng digital na solusyon sa edukasyon. Dumami pa sana at mapayabong ang mga ganitong pagtulong mula sa mga pribadong kumpanya.
Sinuportahan rin ito ni Sen. Joel Villanueva bilang bahagi ng kanyang adbokasiya na kailangan ipagpatuloy ang edukasyon sa kabila ng hirap ng pandemya.
Ani ni Sen. Villanueva, “Importante ang mga ginagawa o gagawin pa nating mga interventions para hindi tuluyang bumaba ang kaalaman ng mga kabataan.”
Sa kanyang pananaw, ang GoLearn ay isang digital na solusyon upang mapalawak ang edukasyon na madaling gamitin at iwas hawa ng pandemya. Malaki nga ang ginhawa nito para sa mga magaaral.
Kailangang-kailangan natin ngayon ng mga makabuluhang kolaborasyon sa pagitan ng iba’t ibang sektor upang mas matibay at mas epektibo nating maharap ang matinding hamon ng pandemiya sa buong bansa.
Nananawagan ang BK3 sa ating mga pinuno sa pamahalaan at pribadong sektor na maging malikhain sa paghanap ng mga makabagong solusyon para sa kapakanan nating lahat!
Isulong ang bayanihang digital para sa edukasyon!