LABAN O BAWI NG GCQ: Kawawa nanaman ang maliit na negosyo at manggagawa

Masama ang naging epekto nitong urong-sulong at nakakalitong mga polisiya laban COVID 19 sa maliit na negosyo at manggagawa. Marami ang naghanda sa muling pagbubukas ng kanilang naghihingalong negosyo pero napagastos lang at nagpagod para sa wala. Nalito na nalugi pa.

Isang kautusang walang kalakip na mga panuntunan kung paano ito ipatutupad. Ito’y paglalarawan ng pamunuan na walang kakayahan maging handa. Di malinaw ang plano kung saan tayo patungo. Mas abala pa sa paghahanda sa susunod na halalan. Di ito katanggap-tanggap!

Isaalang-alang din ang sektor ng pangangalakal na siyang nagbibigay hanap buhay sa ating mga kababayan. Isip muna bago salita. Nakakapikon na!

Pet A. Climaco

Secretary General

BK3