IPASA ANG SB 2272 — NGAYON NA!
Kalunos-lunos ang epekto ng pandemya sa sektor ng edukasyon. Hirap ang mga pamilyang nawalan ng kabuhayan, at nawalan na ng kakayahang tustusan ang pag-aaral ng mga anak. Dahil dito, bumaba ang bilang ng mga batang nagpalista, at dumarami ang mga pampribadong paaralan na nagsasara.
Dumagdag pa sa pasakit ang RR 5-2021 ng Bureau of Internal Revenue. Isa itrong dagok sa mga naghihingalo nang pribadong paaralan.
Walang sinuman ang nakaligtas sa bagsik ng pandemya. Ang gobyernong tanging inaasahan tutulong ang siya pang naging balakid sa mga naghihingalong pribadong paaralan. Ang ganitong maling polisiya ay mauuwi sa kapahamakan ng sistemang edukasyon ng Pilipinas. Tandaan natin ang sektor ng pribadong edukasyon ay katuwang ng pamahalaan upang luminang ng mga susunod na henerasyon ng mga pinuno at mga obrero na magpapatuloy sa pag-ahon ng ating ekonomiya.
Pagmalasakitan natin ang ating sektor ng pribadong edukasyon sapagkat mahalagang salik ito sa muling pagbangon ng ating ekonomiya.Nanawagan kami sa ating mga Senador na bilisan ang pagpasa sa nakabinbin nilang batas na magsasatuwid sa maling polisiya ng BIR RR 5-2021.
Ipasa ang SB 2272, NGAYON NA!