EKSTENSYON PARA SA VOTER REGISTRATION, NARARAPAT LAMANG!
Malapit ng matapos ang Comelec voter registration sa darating na ika-30 ng Setyembre 2021. Na kung saan marami pa rin mga kwalipikadong mga botante ang di pa nakakapagpatala. Sa kabilang banda ay may nakahain ng panukala upang ito’y mabigyan ng palugit hanggang sa ika-30 ng Oktubre 2021.
Hinihikayat ng BK3 na magkaroon ng ekstensyon sa pagpaparehistro. Kailangan isaalang-alang ng Comelec ang kabi-kabilang lockdown na nangyari sa iba’t-ibang bahagi ng bansa na syang pinakamatinding dahilan kung bakit malaking porsyento pa din ang di pa nakakapagpatala. Bagamat unti-unting nagagahol na sa panahon subalit di dapat ito maging dahilan upang mawalan ng karapatan ang bawat isa na makaboto. Nawa’y makahanap tayo ng paraan gaya ng maisabatas o magkaroon ng kautusan ang Comelec bilang tugon sa pagpapalawig ng pagpaparehistro ng mga botante.
Panawagan natin sa ating mga kababayan ay tiyakin na makapagpatala bilang rehistradong botante. Ang pagpaparehistro ang unang hakbang upang mabago natin ang pamahalaang ating inaasam.
Mahalaga ang boto ng bawat isa. Tiyakin natin na ang boses ng bawat botante ay maririnig. Tayo nang Magpatala. Voter Registration Extension. Isulong!
Pet A. Climaco
BK3
Secretary General