Pagnanakaw ng kable sinasabotahe ang ekonomiya
Mahalagang napoprotektahan natin ang seguridad ng ating telecommunication infrastructure. Nakakaalarma ang mataas na insidente sa pagsisira ng mga naturang imprastruktura sa pamamagitan ng nakawan ng mga kable. Itong taon pa lang, mayroon nang halos 2,000 insidente ng cable theft sa buong bansa.
Hindi maikakaila na malaking bahagi ng ating pangaraw-araw na kabuhayan ay nakasalalay na sa telecommunications access, lalo na sa internet connectivity. Mula sa pampersonal na gamit para siguradong nacocontact natin ang mga mahal sa buhay, hanggang sa ating mga trabaho at negosyo, at gayundin sa mga kritikal na mga pangangailangan ng pambansang ekonomiya, at seguridad, nasa punto na tayo na isang bahagi ng pang-araw-araw na pangangailangan ang ating access sa mga telco.
Ito ang mga bagay na nakukumpromiso ng cable theft, na ang layunin ay ang mapagkakitaan ang mga copper cables na mataas ang presyo sa black market.
Kailangan natin ng mas mahigpit na batas na mas mabigat na parusa para sa mga ganitong gawain. Ito ay maaaring makita na bilang economic sabotage na dahil sa pinsalang ginagawa nito.
Atty Karry Sison
Convenor