Panangutan ng lahat: Labanan ang “Digital Piracy”

Sa katatapos lamang na webinar ng Stratbase ADR Institute, nasaksihan natin ang iba’t-ibang anggulo upang intindihin ang nagaganap na digitial transformation sa Pilipinas. Tinaguriang “Digital Risks in the New Normal”, nadinig din natin ang talakayan tungkol sa mga bentahe at disbentahe ng teknolohiyang digital.

 

Para sa BK3, tampok ang usapin ng seguridad ng impormasyon at produkto!

 

Naniniwala ang BK3 na mas mapapangalagaan ang seguridad kung patuloly na lalabanan ang pamimirata o ang tinatawag na digital piracy. Laganap sa ating bansa ang paglahok sa pamimirata dahil ayon kay Neil Gane (General Manager, Coalition Against Piracy, Asia Video Industry Association), 49% ng mga Pilipinong online konsyumer ay tumatangkilik sa piracy websites.

 

Sang ayon ang BK3 kay Atty. Teodoro Pascua (Deputy Director, Intellectual Property Office of the Philippines) hinggil sa 5P’s. Ibig nyang sabihin, dapat na ugaliin ng konsyumer ang pagtiyak at pagtingin sa packaging, price, product, promotional message, at place ng mga produktong online upang masuri kung peke o hindi.

 

Kung sa gayon, matama ng punto ni Mr. Richard Bon Moya (National Technology Officer, Microsoft Philippines) na kailangang makibahagi ang mga konsyumer sa responsibilidad sa paglaban sa pamimirata. Kaugnay pa nito, sinabi naman ni Desmond Chan (Deputy General Manager for Legal and International Operation, Teelevision Broadcast Limited) na susi ang pagtutulungan at pagtitiwala sa pagitan ng mga ISPs at content providers upang mas epektibong hadlangan ang mga website ng pamimirata.

 

Sa kabuuan, sang-ayon at sumusuporta ang BK3 sa pagsulong ng digital na teknolohiya hangga’t nasisiguro ang seguridad ng impormasyon at produkto para sa kapakinabangan ng mga konsyumer. Dapat ring madaliin ang nuukol na batas at regulasyon upang matigilan ang salot ng pamimirata sa internet.

 

Dapat nating gamitin ang digital na teknolohiya upang maibsan ang ating paghihirap sa gitna ng pandemya, hindi para manloko ng kapwa o magnakaw ng intellectual property ng mga lehitimong industriya na nakapagbibigay ng trabaho at nakatutulong sa ekonmiya. At tungo sa new normal, naniniwala ang BK3 na mas mapapabilis ang ating pagbangon sa pamamagitan ng angkop na mga solusyong digital.

 

Gobyerno, pribadong sektro, konsyumer at mga mamamayan—kapwa tayo may pananagutan sa digital na kaayusan!