BASTA’T TAYO’Y NAGTUTULUNGAN, MALIGAYA PA RIN ANG PASKO

Ilang araw na lang tayo ay magdiriwang na naman tayo ng Pasko. Panahon ng pagbibigayan. Kaugnay nito ay nagpahayag ng mabuting balita ang Meralco hinggil sa singil ng kuryente para sa buwan ng Disyembre 2020. Ayon sa kanilang tagapagsalita na si Joe Zaldariagga ay makakaasa ang kanilang mga customers sa mababang singil sa kuryente ngayong Disyembre 2020. Ito’y bunsod na rin ng pag-inam ng suplay ng kuryente nitong nakaraang Nobyembre 2020. Bilang karagdagan ay binigyang diin ni Zaldariagga na hindi prayoridad ang pagputol ng kuryente. Magandang balita lalo na sa mga naghihirap na mga konsyumer.
Tuloy ang ating pakikibaka laban sa COVID-19 at unti-unting pag-ahon sa salanta ng sunod-sunod na bagyo. Malaking tulong ito lalo na ngayon pa lang tayo unti-unting bumabawi buhat nang maglockdown at mahirap ang hanapbuhay ng karamihan sa atin.
Ngayon ay panahon ng pagbibigayan. Sana ang mga may kaya ay mas marami ang mabigyan ng pamasko, sana ay magtulungan tayo upang maparamdaman ng kahit konting saya ang lahat ng Pilipino ngayong pasko.
Tuloy ang ligaya ng Kapaskuhan basta’t tayo’y nagtutulungan.